Comelec, ibang ahensya, handa na para sa The Mandate 2022

Handa na ang Commission on Elections (Comelec), kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Department of Education (DepEd), para sa pagdagsa ng mga botanteng boboto ngayong araw sa buong bansa.

Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, “impressed” siya sa naging paghahanda, at ikinokonsidera pa niya itong “perfect.”

Ito ay matapos na personal na inspeksyunin ni Pangarungan ang Comelec Election Monitoring and Action Center (CEMAC) sa ParaƱaque at ang Philippine International Convention Center sa Pasay City, kung saan gagawin ang canvassing para sa senatorial at party-list elections.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Commissioner George Garcia na tapos ang lahat ng mga repairs para sa vote counting machines.

Mababatid na nasa halos 65.7 million na mga rehistradong botante ang inaasahang boboto sa buong bansa ngayong araw.

Ngayong araw rin magtatapos ang overseas voting ng nasa halos 1.7 million Filipinos sa abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *