Comelec ibinasura ang motion to recall petition sa deadline extension pabor kay BBM

Ibinasura ng Commission on Elections’ (Comelec) Second Division ang motion to recall na inihain ng mga petisyuner kaugnay sa pagpapalawig sa deadline para kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang sagutin ang petisyon nito na nagkakansela sa kandinatura nito sa pagkapangulo.

Sa inilabas na desisyon ng poll body, sinabi nitong may kapangyarihan ang Comelec na isuspende ang reglementary period na nakasaad sa rules kung ito ay makakatulong para sa interes ng hustisya at mabilis na resolusyon ng kaso.

Dahil dito sinabi ng Comelec na itinuturing na nilang resolve at deny ang motion for reconsideration ng mga petisyuner.

Magugunitang kwenestiyon ng mga petisyuner ang pagpapayag ng Comelec na palawigin pa ng limang araw ang reply to petition ni Marcos Jr. sa disqalification case na kinakaharap nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *