Comelec, ibinasura ang reklamo ng Duterte Youth kaugnay sa party-list rep post ni Guanzon

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang reklamo ng Duterte Youth party-list kaugnay sa umanoy substitution ni dating commissioner Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD party-list.

Ayon kay acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco, inaprubahan ng en banc ang rekomendasyon ng Comelec Law Department na ibasura ang naturang reklamo.

Aniya ang certificate of proclamation ni Guanzon ay nai-print na nitong Miyerkules at for signature na.

Samantala, hinamon ni Guanzon si Cardema na mag-file ng reklamo kaugnay sa umanoy akusasyon sa kanya na pinilit niyang umatras ang dapat na uupo sa naturang party-list.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.