Comelec, inanunsyo na umabot sa 6.9 million ang mga bagong botante sa darating na eleksyon

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na umabot sa 6,950,449 ang mga new registrants o mga bagong nagpa-rehistro para sa darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Commissioner Atty. George Garcia, hindi pa kasama dito ang mga Sangguniang Kabataan (SK) na dating edad 15-17 na umabot naman sa 1,520,500.

Sa Comelec press briefing kanina, binigyang-diin ni Garcia ang kanilang liderato sa pagpapabilis ng mga proseso at transaksyon ng naturang komisyon.

Sa ngayon ay nasa 63,856,233 o 94.68% na ang naiimprintang mga balota out of 67,442,616. Ang 178,998 defective ballots naman na naberipika na ay maaari pang madagdagan at susunugin sa harap ng publiko para sa transparency purposes.

Samantala, magtatalaga naman ang Comelec ng voters assistance desk sa mga presinto sa mismong araw ng halalan at iginiit din nila na seryoso sila sa Task Force Kontra-bigay kung saan maaaring makulong ang mga kandidatong lalabag mula 1 hanggang 6 na taon at pwedeng madiskwalipika sa kanyang kandidatura. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *