Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-exempt ang subsidy para sa mga rice retailers sa election spending ban para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa isang memorandum, binigyang-diin ni Comelec chairperson Erwin Garcia ang tuloy-tuloy na pagpapalabas, disbursement, at paggasta ng mga pampublikong pondo ng ahensya kaugnay sa tulong pinansyal ng mga rice retailers na apektado ng price cap.
Nagpadala ng liham si SWD Secretary Rex Gatchalian sa poll body na umaapela para sa exemption ng cash aid mula sa election spending ban.
Sa kabila ng pag-apruba, pinaalalahanan ni Garcia ang DSWD na ang kahilingan ay hindi dapat makaimpluwensya sa pagsasagawa ng 2023 BSKE.