Iniulat ng Commission on Elections na halos tapos na ang pag-imprenta ng mga official ballots na gagamitin sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Lumabas sa datos ng Comelec na hanggang nitong Sabado, February 18, may kabuuang 49,599,193 na mga balota para sa barangay polls, o 74.06 porsyento ang naimprenta na para sa 15 rehiyon, mula sa 66,973,949 na balotang iimprenta.

Sa kabilang banda, may kabuuang 21,422,300 na mga balota para sa SK polls o 90.62 percent ang naimprenta, mula sa 23,639,577 na balotang iimprenta.
Nagsimulang mag-imprenta ng mga balota ang poll body noong September 2022.//CA