Nagbabala si Commission on Election Chairperson George Garcia hinggil sa mga taong bumibili ng boto, kasabay ng nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BKSE).
Ayon kay Garcia, hindi talaga natitigil ang pagbili at pagbebenta ng mga boto tuwing halalan, kaya naisip na nilang ipatupad ang pagkakaroon ang warrantless arrest sa mga taong aktwal na mahuhuling gumagawa ng naturang gawain upang matakot na ang mga ito.

Ayon sa komisyoner, ang general rule – dapat may warrant of arrest tuwing may aarestuhin, pero binigyang-diin din nito na sinabi ng Korte Suprema na kapag caught in the act, pwede nang arestuhin ang isang taong may paglabag.
Sa sandali umanong ma-caught in the act ang isang indibidwal, agad itong dadalhin sa pinakamalapit na presinto at sa loob ng anim na oras ay kailangan na agad itong makasuhan.
Ibig sabihin nito, maaaring ma-subject to inquest ang isang taong aktwal na mahuhuli na namimili at nagbebenta ng kanyang boto.