Comelec, ipinasa ang ‘vote anywhere’ resolution para sa mga overseas absentee voters

Ipinasa ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘vote anywhere’ resolution na layong taasan ang bilang ng mga overseas absentee voters ngayong darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Overseas Absentee Voting Division In-charge Commissioner Marlon Casquejo, konsepto ng naturang resolusyon na payagan ang mga overseas registered voters na makaboto kung nasaan man silang bansa kahit hindi sila nakarehistro doon.

Aniya, kinakailangan lang umano mag-file ng botante ng manifest intend to vote pero dapat ay nakarehistro sila sa overseas voting list.

Samantala, iimplementahan din ng komisyon ang two-way postage patungkol sa address ng mga overseas voters na pinondohan ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA). (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *