COMELEC Isabela, nilinaw na 2 bayan pa lamang ang maaring gumamit sa inilunsad na mobile app

Nilinaw ng Isabela Provincial COMELEC na ang mga bayan ng Reina Mercedes at Quirino Isabela pa lamang isinagawa ang pilot testing ng kanilang mobile app na maaring gamitin ng mga botante sa pagpaparehistro.

Ito ang inihayag ni Isabela Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo Jr. sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, marami na umano ang nagdownload ng nasabing application ngunit nilinaw niya na hindi lahat ng bayan at siyudad sa Isabela ay maaring gamitin ito.

Sa katunayan aniya, sa Region 2 ay 4 lamang ang mayroon nito kung saan 2  bayan sa Nueva Vizcaya at 2  bayan rin sa Isabela.

Una rito ay inilunsad ng COMELEC Region 2 ang naturang mobile app upang upang mapabilis ang transaksiyon at maibsan ang dagsaan ng magpaparehistro sa mga opisina ng COMELEC.

Ayon pa kay Atty. Castillo, maaring puntahan ng mga botante sa Quirino at Reina Mercedes, Isabela ang opisina ng COMELEC upang madownload ang application kung saan pipiliin lamang ang gagawing transakyon, magfi-fill-up ng personal information at pagkatapos ay i-scan na lamang ng election officer ang QR code bago kuhanan ng biometrics.

Mas mabilis umano ito kumpara sa tatlong pages na sinusulatan ng botante kapag nagpaparehistro.

Samantala, tinitignan na rin aniya ang posibilidad na i-adopt ang nasabing application sa I-rehistro ng COMELEC upang makapagparehistro ang mga botante na natatakot sa face-to-face registration dahil sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *