COMELEC, isasabay sa BSKE ang plebisito ng San Jose del Monte, Bulacan bilang isang highly-urbanized city

Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) ang plebesito para sa pagiging Highly Urbanized City ng San Jose Del Monte Bulacan sa October 30, kasabay ng barangay at Sangguniang Kabataan elections

Idaraos naman ito sa buong lalawigan batay kasi ito sa sa inilabas na resolosyun ng COMELEC.

Ayon kay Provincial Election supervisor Mona Ann Aldana-Campos, makikita sa balota para sa plebesito ang katanungan na “Pumapayag ka ba na ang lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan ay gawing isang Highly-Urbanized City?”

Habang ang tinatanggap naman na sagot ay ang salitang “Yes” o “Oo” kung pabor, at kung hindi sang-ayon maaaring isagot ang “No” o “Hindi”

Maaaring gawin ang plebesito sa 573 barangay ng Bulacan mula October 19 hanggang 28.

2020 pa noong inilabas ng Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na nagdedeklara sa lungsod ng San Jose Del Monte bilang isang HUC matapos pumasa sa pamantayan ng Department of the Interior and Local Government kung saan ang pagkakaroon ng 760,000 na populasyon at kitang umaabot ng P1 bilyon taun-taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *