COMELEC Legazpi, hindi na magbibigay pa ng extension para sa barangay at SK election voter’s registration

Hindi na pahihintulutan ng Commission on Elections (COMELEC) na magkaroon ng extension ang pagpaparehistro para sa barangay at SK elections.

Ayon kay Atty. Connie del Castillo, officer-in-charge ng COMELEC Legazpi, sa inilabas ng memorandum mula sa central office, hanggang alas 5 ng hapon ngayong araw ay maaari pa rin silang magtanggap ng mga magpaparehistro, mag-deactivate at transfer para sa darating na barangay at SK elections.

Kahapon, aniya, ay nakapagtala sila ng mahigit 300 na mga bagong aplikante sa kanilang tanggapan. Dahil ditto, inaasahan nilang ngayon huling araw ng pagpaparehistro ay marami pa rin ang pupunta sa COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *