COMELEC Legazpi, sinisiguro ang magiging seguridad ng mga botante sa darating na barangay at SK elections

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Comission on Elections (COMELEC) Legazpi City na kanilang sinisiguro na magiging ligtas ang mga botante sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ngayong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay COMELEC Legazpi Election Officer, Connie del Castillo, sinabi niyang tuwing nagkakaroon ng eleksyon, ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dine-deputize ng naturang komisyon upang siguruhin ang kaligtasan ang seguridad ng mga boboto na hindi magkaroon ng anumang karahasan.

Aniya, ang presensenya ng PNP at AFP ay naroroon na magmula sa preparasyon, hanggang sa mismong araw ng eleksyon, at maging sa mga aktibidad para sa post-election ng COMELEC; nangangahulugan lamang na mahigpit ang koordinasyon sa pagitan ng mga ito upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng eleksyon.

Samantala, inilahad naman ni Del Castillo na ang election period ay mula sa Hulyo 3 hanggang Nobyembre 14; kung saan, sa peryodong ito, nakapaloob ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbong kandidato na gaganapin sa Hulyo 3-7; sakop din ng peryodong ito ang gun ban o ang pagbabawal ng padadala ng mga baril, kung saan kahit pa lisensyado ang isang tao kung hindi naman otorisadong magbitbit nito ay hindi pa rin pahihintulutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *