Comelec magsasagawa na ulit ng satellite registration

CAMARINES NORTE- Magsasagawa na ulit ng satellite registration ang Commission on Elections (COMELEC) matapos na ipagpaliban ito dahil sa banta ng COVID- 19.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, miyembro ng Speakers’ Bureau ng komisyon sa probinsya pwede na ulit magsagawa ng satellite registration ang Comelec sa mga barangay.

Aniya, malaking tulong ang pagsasagawa nito dahil bukod sa maliit lang ang opisina ng Comelec sa mga munisipyo at kaunti lang ang pwedeng ma- accommodate ay mas marami ang nagpaparehistro sa mga barangay.

May kaniya- kaniya umanong schedule  ang bawat Comelec offices sa pagsasagawa ng voter registration pero prioridad ang mga barangay na mayroon nang dating schedule na naipagpaliban.

Tiniyak rin ng komisyon na bibigyang priority sa voter registration ang mga nakatatanda, heavily pregnant women at Person with Disability o PWD’s.

Samantala, mag uumpisa na rin umano ang Comelec na gumawa ng listahan ng mga electoral  board o ng mga gurong nagnanais na magsilbi sa eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *