Comelec magsasagawa ng pilot test sa automated poll system sa tatlong bgy sa QC at Cavite para sa BSKE

Magsasagawa ng pilot test ng kanilang automated election system ang Commission on Elections o Comelec sa tatlong barangay sa Quezon City at Cavite para sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, napili para sa pagsasagawa ng pilot testing ng AES ay ang Zone II Poblacion at Paliparan III sa DasmariƱas City, Cavite at Barangay Pasong Tamo sa 6th District ng Quezon City.

Angn pagpili sa mga nabanggit na barangay bilang pilot testing ay resulta ng regular hearing ng House  Committee on Suffrage and Electoral Reforms kung saan naabot ang desisyon sa mutual consultation at mutual agreement sa pagitan ng Kamara at Comelec.

Samantala, binanggit rin ni Laudiangco na magkakaroon ng maliliit na pagbabago sa Calendar of Activities para sa mga barangay na ito, kabilang ang paghahain ng Certificates of Candidacy ng mga aspirante.

Ang tatlong barangay ay mayroong halos 112,000 na mga rehistradong botante.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *