Comelec magsasagawa ng voting simulation exercise sa susunod na linggo

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force ang Commission on Elections na makapagsagawa ng voting simulation exercise sa susunod na linggo.

Ito umano ay bilang paghahanda sa pandemic scenario sa 2022 national elections.

Ayon sa IATF pinayagan nila ang Comelec na magsagawa ng aktibidad upang matiyak na magkakaroon ng ligtas at epektibong halalan sa susunod na taon.

Isasagawa ang voting simulation exercise sa San Juan City sa Ocotber 23.

Sinabi ng IATF na lahat lalahok sa simulation, kabilang na ang mga botante ay exempted sa travel restrictions at hindi rin kailangan sumailalim sa RT-PCR test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *