COMELEC, nag issue ng Certificate of Finality sa DQ case ni Albay Gov. Noel Rosal

Nag-isyu ng Certificate of Finality at Entry of Judgement ang Commission on Elections en banc kahapon sa mga partido nina Joseph San Juan Armogila at Albay Governor Noel Rosal kaugnay sa disqualification case ng opisyal ng Bicol.

Sa inilabas na pahayag ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco, ayon sa Sec. 8 ng Comelec Resolution No. 9523, ang desisyon o resolusyon ng en banc sa mga special action cases ay magiging final at executory pagkatapos ng limang araw ng pagtanggap ng desisyon o resolusyon maliban kung ito ay pinigil ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order o TRO o Preliminary Injunction.

Dahil walang TRO o Preliminary Injunction na nagmula sa SC sa loob ng limang araw, sinabi ni Laudiangco , ang en banc resolution na may petsang November 18 ay naging final at executory batay sa nasabing mga panuntunan.

Sa kasong ito, ang rule of succession sa ilalim ng Local Government Code ay ipapatupad ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Si Rosal ay napatunayang liable ng Comelec First Division dahil sa paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code (OEC) o ang 45-day spending ban. Dinenay kamakailan ng en banc ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ni Rosal.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *