COMELEC Naga mahigpit na imomonitor ang mga posibleng vote buying at vote selling ngayong BSKE 2023

NAGA CITY – Opisyal nang nagpalabas ang Commission on Election o COMELEC hinggil sa Primer ng Committee on Kontra Bigay patungkol sa Vote-Buying at Vote-Selling para sa Oktubre 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Na nakapaloob ang mga impormasyon patungkol sa mga ipinagbabawal na gawain, mga taong mananagot, at mga karampatang parusa ukol sa pamimili at pagbebenta ng boto.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Maico Julia, Election Officer ng COMELEC Naga, isa ito sa mahigpit nilang imomonitor kasama ang ibang ahensya tulad ng PNP lalo na’t nakasanayan ng marami ang pagbibigay ng pera o mga gamit tuwing nagkakaroon ng eleksyon.

Layunin kasi ng Kontra Bigay na mabago ang sistema at maputol ang ganitong kaugalian, na dapat na tangkilikin ng bawat botante ang kakayahang mamuno ng isang kandidato at hindi dapat nakabase sa pera o ibinigay nito.

Kaya naman maliban doon sa bawat kandidato na mamonitor din ang kapwa kandidato bukas ang COMELEC Naga sa mga reklamo, at kung aktwal man na makitang lumabag agad na huhulihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *