Naglabas ng show cause order ang Commission on Elections (COMELEC) sa hindi bababa na 100 barangay at Sangguniang Kabataan aspirants para sa paglabag paglabas sa halalan, kabilang na rito ang premaute campaigning.

Isang linggo matapos ang paghahain ng certificates of candidacies (COC), sinimulan ng nilang tanggalin ang ilang campaign paraphernalia na naka-dikit sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Saad pa ni Comelec chairman George Garcia, ang mga aspirants ay ikinokonsidera lang na mga kandidato kapag sila ay naghain na ng kanilang COC.
Patuloy na nagbabala ang Comelec laban sa maagang pangangampanya dahil tatakbo lamang ang campaign period mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.