Comelec nagpatawag ng coordinating conference sa bayan ng Basud bilang paghahanda sa pagdating ng mga gagamiting VCM sa araw ng eleksyon.

CAMARINES NORTE- Nagpatawag ng isang coordinating conference ang Commission on Elections sa bayan ng Basud, Camarines Norte bilang bahagi ng paghahanda sa pagdating ng mga gagamiting Vote Counting Machine (VCM) sa araw ng eleksyon.

Ang mga inaasahang dadalo sa naturang coordinating conference ay ang mga miyembro ng Electoral Board, Punong Barangay, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at ilan pang may mga gagampanang papel sa halalan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Municipal Election Officer Virgilio Veras na ang pinakalayunin ng pagtitipong ito na gagawin bukas, Abril 20 sa Municipal Function Hall ay upang magkaroon ng maayos na koordinasyon lalo na pagdating ng mga VCM at maitaguyod ang isang maayos, malinis at mabilis na resulta ng halalan.

Dapat merong koordinasyon, siyempre ang mga barangay officials naman natin partikular yung mga Punong Barangay, yan ang maasahan natin,” ani Veras.

Ayon kay Veras darating ang mga gagamiting VCM sa May 2 at kinabukasan ay magkakaroon na ng simultaneous final testing and sealing.

Kapag dumating na ang mga VCM sa voting center ay babantayan na ito at magde deploy na rin ng mga PNP at AFP personnel.

Importante rin aniya ang maayos na koordinasyon ng mga miyembro ng Electoral Board sa mga Punong Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *