Binalaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pasaway pa rin na kandidato sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maari silang patawan ng diskwalipikasyon.
Ito’y matapos kinumpirma ni Comelec Chairman George Garcia na may mga kandidato na lumabag sa inihaing panutunan ng ahensya sa unang araw pa lamang ng campaign period.
Ayon kay Garcia, kasama na rito ang mga kandidato at kanilang taga-suporta na nagkabit ng campaign materials sa mga poste.
Biro pa ng Comelec Chairman na maging maingat ang mga ito sa pagkakabit sa mga ipinagbabawal na lugar at baka sila’y makuryente.
Samantala, inaantabayanan ang gagawing Oplan Baklas ng ahensya na gagawin bukas hanggang sa October 27.