Comelec, nangako na mamadaliin ang resolusyon sa lahat ng mga pending poll cases

Nangako si Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na paiigtingin ng poll body ang kanilang mga hakbang para maresolba ang mga election protests at iba pang disputes.

Ginawa ni Garcia ang pahayag bilang tugon sa sinabi ni Senator Risa Hontiveros na ang assassination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay dahil sa mahabang resolution ng kanyang election protest, kasama ang iba pang poll disputes sa Comelec.

Ayon sa poll chief, na bagama’t naresolba na nila ang nasa 9,000 kaso, ay mayroon pa umanong 2,000 pending resolution.

Kaugnay nito, target nila matapos ang lahat ng kaso bago ang paghahain ng kandidatura para sa May 2025 polls sa October 2024.

Nangako din sila na sa October 2024, mareresolba na nila ang lahay ng kaso sa mga nuisance candidates upang hindi maiproklama ang maling tao, at ang boto ng tunay na nanalo ay nabibilang at hindi napupunta sa nuisance candidates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *