Comelec, nangako ng hustisya sa napatay na election officer sa Sultan Kudarat

Nangako ang Commission on Elections na ibibigay ang hustisya sa kanilang election officer na binaril at napatay sa bayan ng Lambayong, lalawigan ng Sultan Kudarat.

Sa isang pahayag ng poll body, mahigpit nilang kinukundena ang walang habas na pagpatay kay Haviv Maindan, Election Officer II ng Sultan sa Barongis, Maguindanao.

Dagdag pa ng Comelec, nakikipagtulungan na sila ngayon sa Philippine National Police hinggil sa insidente.

Nabatid sa mga inisyal na ulat, na ang mga tauhan ng Comelec at isang Rolly Dilangalen ay galing sa bayan ng Sultan sa Barongis patungong Lambayong sakay ng kanilang sasakyan nang tambangan at pagbabarilin ng ilang beses.

Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang hindi naman nasaktan ang kasama nito.

Inihayag ng Comelec na magdiriwang na ika-56 kaarawan ang biktima sa Marso, at 15 taon na siya sa serbisyo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *