COMELEC, ‘no comment’ sa party-list abolition

Nanawagan ang Commission on Elections sa publiko, lalo na sa mga kume-kuwestyon sa resulta ng halalan na gawin na muna nila ang kanilang trabaho.

Sa pulong balitaan, nanindigan si COMELEC acting spokesperson Dir. Rex Laudiangco na mula umpisa hanggang sa nagpapatuloy na bilangan ng resulta ng halalan, nananatiling transparent at bukas ang poll body sa mga hakbang nito.

Pinabulaanan din nito na mayroong hokus pukos pagdating sa transmission ng mga election returns matapos ang mga aberyang naranasan sa mga SD cards at mga vote counting machines.

Giit ni Laudiancho – accounted lahat ng mga balota at nakabantay ang iba’t ibang mga watchers at citizen arms.

Samantala, tumanggi naman nang magkumento ang poll body sa usapin ng pag-abolish ng party-list system.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na dapat nang buwagin ng susunod na administrasyon ang mga party-lists at isulong na lamang ang charter change o cha-cha.

Ayon sa COMELEC, ipauubaya na raw nila sa Kongreso ang magiging pinal na desisyon hinggil sa isyu na ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *