Comelec, plano na itakda ang paghahain ng COC para sa barangay at SK polls sa Hulyo

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na itakda ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Hulyo.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, na ang maagang paghahain ng COC ay para maresolba agad ang mga posibleng disqualification cases.

Mababatid na ang BSKE ay nakatakdang gawin sa Oktubre ngayong taon.

Samantala, sinabi naman ni Garcia, na inatasan nila ang lahat ng kanilang election officers na hindi na tanggapin ang mga certificates of candidacy ng SK candidates, na batay sa records ng Commission on Elections, ay mahigit 24-taong gulang na ang edad.

Otomatiko rin umanong hindi tatanggapin ang kandidatura para sa SK kapag sila ay hindi registered voters.

Mababatid na noong 2018 SK elections, papalo sa 4,000 na mga disqualification cases ang hawak ng election body na kinabibilangan ng mga overaged SK aspirants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *