Comelec sa Camarines Norte nagsimula na ng information dissemination campaign kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre

CAMARINES NORTE- Nagsimula na ang Commission on Elections sa lalawigan ng Camarines Norte ng information dissemination campaign kaugnay sa October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nitong Lunes, February 27 ay humarap si Election Officer III Annelyn Abanes, miyembro ng Comelec Speaker’s Bureau sa Sangguniang Bayan ng Basud regular na sesyon upang ipaliwanag ang mga prohibited acts pagpasok ng election period.

Sa July 3- 7, 2023 ay ang filing ng certificate of candidacy.

Ito na rin ang opisyal na pagsisimula ng election period na tatagal hanggang November 14.

Sa panahong ito ay ipinagbabawal ang pagdadala, pagbiyahe ng baril at iba pang deadly weapons.

Bawal na rin ang transfer ng mga opisyal at empleado ng gobyerno sa ilalim ng civil service kasama na ang public school teachers.

Ang campaing period naman ay itinakda sa October 19 hanggang 28.

Ayon kay Abanes bawal nang mangampanya sa bisperas ng eleksyon at ipapatupad na rin ang liquor ban hanggang sa mismong araw ng halalan.

Sa October 30 o sa mismong araw ng eleksyon ay magbubukas ang mga presinto mula alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Sinagot rin ni Abanes ang katanungan ng ilang miyembro ng sangguniang bayan partikular na ang usapin sa transfer at residency.

Sa March 6 itinakda ang Election Registration Board (ERB) hearing kung saan dito diringgin ng Comelec ang mga reklamo patungkol sa katatapos lang na registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *