Comelec sinimulan na ang imbestigasyon sa kwestyunableng ERs na nadiskubre ng PPCRV

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y nadiskubre ng Parish Pastoral Council for Responsible Votin (PPCRV) na mga kwestyunableng election returns (ERs).

Ang mga ER na sinisiyasat ay nagmula sa mga natuklasan sa manual validation process na ginagawa ng PPCRV, na nakakita ng mga pagkakaiba sa mga numerong iniulat sa publiko sa pamamagitan ng transparency server ng poll body.

Nagmula umano ito sa apat na clustered precinct sa mga lalawigan ng Quezon, Masbate, at Cebu na kabilang sila sa 78,894 ERs na na-encode ng PPCRV noong Biyernes ng hapon.

Paliwanag naman ni Comelec Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na batay sa kanilang paunang assessment ang naitalang discrepancies ay dahil sa sealing ng vote-counting machines, habang mayroon naman naiulat na “procedural error” sa clustered precinct’s electoral board matapos ang “premature” na pagsasara ng botohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.