Comelec sinimulan na ang voters education ilang buwan bago ang Barangay at SK elections

CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Commission on Elections ang voters education ilang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Oktubre nitong taon.

Ito ay upang maihanda ang mga botante sa kanilang pagboto at pagpili ng mga magiging bagong opisyal ng kanilang barangay.

Isa sa mga bayan na maagang nagsagawa ng voters education ay ang Basud kung saan nitong nakatalikod na buwan ng Marso ay siyam na barangay ang napuntahan.

Itinaon ito sa pagsasagawa ng Barangay Assembly para isahang pagtitipon.

Tinalakay ni Municipal Election Officer III Annelyn Abanes ang bagong calendar of activities na inilabas nito lang nakatalikod na buwan para sa BSKE na gaganapin sa Oktubre 30 ng taong kasalukuyan.

Batay dito magsisimula ang election period sa darating na August 28 hanggang November 14.

Sa panahong ito ay ipapatupad ang Gun Ban kung saan inaasahang mapapadalas na naman ang PNP checkpoint.

Ipapatupad ang Campaign Ban simula August 28 hanggang Oktubre 18, 2023.

Magsisimula naman ang Campaign Period ng mga kumakandidato mula October 19 hanggang 28.

Magpapatupad naman ng liquor ban at iba pang ipinagbabawal tuwing panahon ng halalan sa October 29 hanggang October 30, at ang November 29 naman ang huling araw ng filing ng Statement of Contributions and Expenditures  (SOCE)ng mga kandidato.

Katuwang ng Comelec sa pagsasagawa ng voters registration ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito naman ang nagpapaliwanag ng mga katangian ng mga kandidatong dapat at hindi dapat iboto.

Ang Philippine National Police naman ang tumatalakay sa Peace and Order situation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *