Comelec, target na pataasan ang honorarium ng mga poll workers ng hanggang P10,000

Nais ng Commission on Elections (Comelec) na mapataas ang honorarium ng mga poll workers ng hanggang 10,000.

Ayon kay poll chairman George Garcia, na ang pay increase ay maaring magsimula sa nalalapit na barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa October 30.

Dagdag ng Comelec, na gagawa sila ng paraan na sa halip na P6,000 sa chairman, P5,000 sa mga miyembro at P4,000 sa nagtratrabago sa presinto ay sisikapin nilang gawin itong P10,000, P9,000, P8,000, dahil manual na isasagawa ang halalan

Paliwanag ni Garcia, na isa sa mga dahilan para sa posibleng increase ay dahil maliit na halaga na lamang umano ang natitira para sa mga poll workers, matapos bawasan ng buwis.

Samantala, magsasagawa naman ang poll body ng mock automated election sa Hunyo para sa 2023 BSKE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *