CAMARINES SUR- Handang-handa na ang Commission on Elections (COMELEC)- Tinambac , Camarines Sur sa nalalapit sa Sanguniang Kabataan at Barangay Elections sa Oktubre 30, pero nag-aalala sila sa magkasunod na engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at militar.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay COMELEC Officer Kirk Thomas Tate , sinabi nitong wala naman sa kanilang malaking hamon pero napapadalas din ang sightings sa rebelde. Kung sakali mang delikado sa electoral board ang sitwasyon puwedeng pulis ang papalit sa kanila at sana aniya ay hindi ito nangyari.
Ang Tinambac ay nasa green category ngayon pero ayon sa COMELEC hindi malayong mabago ito at maging yellow o orange, dedepende naman aniya ito sa Security council partikular na sa Philippine Army.
Pinakikiusapan ni Tate ang mga rebelde na makiisa sa panawagan ng mapayapang halalan.