Comelec, tinitingnan ang posibilidad ng pagsasagawa ng mall voting para sa BSKE ngayong Oktubre

Tinitingnan ng Commission on Elections ang posibilidad ng mall voting para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia,  ang pagboto sa loob ng mga malls ay magiging mas maginhawa para sa mga botante sa halip na pumunta sa mga paaralan.

Naniniwala si Garcia na ito ay matutuloy ngunit magkakaroon muna ng pilot testing sa piling mga malls sa Metro Manila.

Aniya, kung magiging matagumpay ang gagawing pilot testing para sa barangay and Sangguniang Kabataan elections maaaring ipagpatuloy ito sa lahat ng malls sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *