Comelec halos kumpleto na ang paghahanda sa Barangay at SK Election

Tiniyak ni Commission on Elections Chairperson George Garcia sa mga senador na halos kumpleto na ang ginagawa nilang paghahanda para sa October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Iniulat ni Garcia sa pagdinig sa Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation kahapon, na nakapag imprenta na sila ng kabuuang 57,996,067 mula sa 66,973,949 na mga balota para sa barangay polls.

Habang sa SK polls naman aniya, may kabuuang 21,422,300 sa 23,639,477 na mga balota ang naimprenta.

Samantala, sinabi ni Garcia na tinitingnan nila ang pag-imprenta pa ng mga karagdagang balota sa buwan ng Marso kapag naaprubahan na ng Election Registration Boards ang mga aplikasyon na isinumite sa isinagawang voters registration activites , na natapos noong nakaraang buwan.

Nakatanggap ang poll body ng kabuuang 2,506,321 na mga aplikasyon kabilang ang mga new registrants, mga nag-apply para sa transfer of registrations at reactivation.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *