Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang isang babaeng na-aresto matapos ‘di umano’y mamili ng boto ng humigit-kumulang sa 200 mga botante.
Ito ang kinumpirma ng Department of Justice kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente.
Ayon sa DOJ, inihain na nag kaso sa Navotas City Regional Trial Court.
Samantala – kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia na tukoy na raw nila kung sino ang nasa likod ng alleged vote buying incident na ito.
Ang siste – mga taga-Malabon daw pala ang mga botante, at dinala sa pabrika sa Navotas City para bigyan ng tig-P300.
Sa ngayon, na-inquest na raw ang babae, at ni-raffle na rin ang kaso.