Comelec tuloy- tuloy ang paghahanda sa BSKE, ballot boxes na gagamitin sa buong lalawigan sapat

CAMARINES NORTE – Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections o Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na October 30 nitong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sinabi nitong sa ngayon ay naisaayos na nila ang listahan ng mga gurong magsisilbing Electoral Board at nagsagawa na rin ng training sa iba’t-ibang bayan.

Magpapatuloy ang mga ginagawang training hanggang sa susunod na weekend, October 7 at 8.

Kumpiyansa si Nieves na maayos na magagampanan ng mga guro ang kanilang trabaho dahil kahit tila nasanay na ang mga ito sa automated elections ay hindi na aniya bago ang manual elections lalo na sa mga dati nang nagsilbi noong mga nakaraang halalan.

Tiniyak rin ng opisyal na sapat ang bilang ng mga gagamiting ballot boxes sa buong lalawigan.

Matagal na umano silang nagsagawa ng imbentaryo kaya imposibleng magkulang pa ito.

Inaasahang namang darating ang mga official ballot sa lalawigan dalawang linggo bago ang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *