COMELEC: Unang araw ng pangangampanya, mapayapa

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) ang mapayapang unang araw ng kampanyahan sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa datos na inilabas ng Comelec, walang untoward incidents o labag sa batas na kampanya ang naiulat sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, CARAGA, Region IV-A, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII, Region IX, at Rehiyon X.

Isang komprontasyon na nagresulta sa diumano’y physical injury at unjust vexation ang naganap sa Barangay Buttong, Laoag City, habang ilang lugar sa Pangasinan ang nag-ulat ng mga paglabag sa paglalagay ng campaign materials.

Samantala, nakita naman ang mga poster na nakapaskil sa sa labas ng mga aprubadong lugar sa Davao City, Digos City, Bansalan, Hagonoy, Sta. Cruz at Malalag sa Davao del Sur. 

Sinimulan na rin ngayong araw ng poll body ang pag-alis sa illegal campaign materials.

Sa ilalim ng ‘Oplan Baklas’ – babaklasin ang mga campaign materials na naka-post labas sa mga itinalagang common poster areas o iba pang pampublikong lugar.

Pinaalalahanan naman ng COMELEC ang mga kandidato sa mahigpit na pagbabawal sa campaign paraphernalia at pamamahagi ng mga ilegal na materyales tulad ng T-shirts, ballers, at cash.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *