COMELEC: Voter’s registration extension, 3 araw na lang

Tatlong araw na lamang ang natitira para makapagparehistro ang mga botante para sa darating na eleksyon sa 2022.

Ito ang muling paalala ng Commission on Elections o Comelec kasabay sa pagtatapos ng extension ng voter’s registration sa October 30, Sabado.

Ayon sa Comelec, bukod sa kanilang mga tanggapan ay puwede ring magparehistro sa mga satellite voter registration center na nasa loob ng piling mga mall.

Magdala lamang ng alin man sa mga valid IDs gaya ng Work ID, Postal ID, PWD Discount ID, School ID, Senior Citizen’s ID, Driver’s License, NBI Clearance, Passport, SSS/GSIS ID, IBP ID, PRC License at NCIP Certificate of Confirmation.

Sa mga gusto namang malaman kung paano magpa-reactivate ng rehistro upang makaboto, bisitahin lamang ang question section ng COMELEC sa magparehistroka.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *