Commander Bayawak ng BIFF sumuko sa Pamahalaan

Kasama ang limang mga tagasunod, hindi nag-alinlangan ang isa sa pinakamataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-Bungos Faction na sumuko sa Pamahalaan.

Sa report mula sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, nitong umaga ng April 17, 2021 ay iniharap ni Datu Piang Mayor Victor Samama si BIFF 4th Division Commander Abunawas Ibad Damiog alyas Commander Bayawak kay 1st Mechanized Brigade Commander, Col. Pedro C. Balisi sa Barangay Kamasi bayan ng Ampatuan, Maguindanao.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang anim na mga high powered firearms na kinabibilangan ng dalawang 5.56mm M16 rifles, isang 7.62mm M14 rifle, isang M653 5.56mm rifle, isang caliber .30 Garand rifle, isang caliber .50 Barret sniper rifle at samut-saring uri ng mga bala.Pinuri naman ng 6th ID Division Commander ang pagsukong ito ni Commander Abunawas at ito ay nakatakdang iindorso sa AGILA-HAVEN Program ng Provincial Government ng Maguindanao.Jom Dimapalao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *