Commander ng ROC-BRPC na nagpaplano at nag-uutos ng ibat-ibang teroristang aktibidad sa Bicol kabilang ang pamamaslang sa varsity player ng FEU sa Masbate, naaresto sa Malabon City

Arestado ang commander ng Regional Operations Command ng Bicol Reg’l Party Committee, madaling araw kahapon sa Brgy Baritan, Malabon City.

Kinilala itong si Dindo Monsanto alias ‘Boy’ na miyembro din ng central committee ng CNN o CPP-NPA-NDF.

Narekober sa kanyang posesyon ang isang M16 rifle, kalibre 45 na pistol, fragmented handgrenade, anti-personnel mine, 11 units ng cellular phone, 9 na flashdrive, memory card at mga subersibong dokumentos.

Si Monsanto ay may standing warrant of arrest para sa 5 counts of murder, attemptred murder, robbery with homicide at paglabag sa anti-terrorism law.

Sa panayam ng Brigada News kay Capt German Franco Roldan, sinabi nito na si Monsanto ay siyang nagpaplano at nag-uudyok sa ibat-ibang teroristang aktibidad sa rehiyong Bicol kabilang na ang insidente ng pambobomba sa Masbate na ikinamatay ng varsity player na si Keith Absalon at pinsan nito na si Nolven Absalon noong Hunyo 6, 2021 kabilang din ang pananambang sa 5 tauhan ng PNP at ang pagsunog ng mga heavy equipment sa Bicol International Airport (BIA) noong itinatayo pa ito.

Ayon sa 9th Infantry Division, Phil Army,  ang pagkaaresto kay Monsanto ay hindi lamang lilikha ng isang napakalaking kapahamakan sa organisasyon kundi mawawasak din ang nasabing teroristang grupo na sa ngayon ay nasa bingit na ng pagbagsak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *