Commercial Center sa bayan ng Basud target na maitayo at matapos ngayong huling termino ni Mayor Adrian Davoco

CAMARINES NORTE- Target na maitayo at matapos ang isang  isang commercial center sa bayan ng Basud, Camarines Norte ngayong huling termino ni Mayor Adrian Davoco.

Positibo ang Lokal na Pamahalaan na lalawak ang business opportunity sa naturang bayan kapag naisakatuparan ang pagtatayo ng isang commercial district kung saan mayroong terminal, public market at mga commercial building na maaaring pa- rentahan para sa office o franchise spaces.

“Ang ating plano ay mag focus tayo ngayon sa  sa pagpatayo nitong ating terminal, bagong public market at nung commercial building para mapakinabangan na kaagad nggating mga kababayan especially po yung ating mga kababayan na gusto namang mag business dito po sa ating lugar pero naghahanap pa ng mga malulugaran nila ng maayos, maganda, na tatauhin, ito po yung ating nakikitang pagkakataon para po umunlad yung ekonomiya pagkatapos po ng ating dinanas na pandemya,” ani Davoco

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Mayor Davoco sinabi nitong nabili na ng LGU ang lote na pagtatayuan ng mga struktura at mayroon nang pondo na P5 milyon para sa pagbili ng right of way at concreting ng kalsada papunta sa commercial building.

“Nabili na natin yung lote wala na tayong problema at bibilhin po natin ngayong taon yung right of way at meron na po tayong pondo na five million para po dun sa concreting ng kalsada papunta po doon sa  ating commercial building,” ani Davoco.

Nasa 1. 5 na ektarya ang lupang nabili ng LGU para sa pagtatayo ng commercial district kung saan kalahati nito ay terminal at ang kalahati ay public market.

Nasa 15 metro ang lapad ng kalsada papunta sa gagawing business district dahil na rin sa inaasahang dami ng mga taong magtutungo rito.

Kumpiyansa rin ang Alkalde na hindi mahirap mag akit ng investor sa gagawing business district.

“Makukumbinsi ka talaga kasi hindi kana magpapagawa ng building, may building na doon at sa tingin namin ang tao na pupunta dun hindi lang taga basud dahil ito pong mga jeep na papunta ng mercedes, papunta ng San Lorenzo Ruiz, ay papatigilin po natin dun sa terminal na yun so hindi lang po yung population ng bayan po ng Basud ang tintingnan natin na tatangkilik doon sa commercial district po natin kundi ilang populasyon din ng Mercedes, ilang populasyon din ng San Lorenzo Ruiz, so dun pa lang sa mga taong magbaba sasakay bibili sa palengke malaki na yung pwede nilang kitain doon kaya ma eenganyo talaga itong ating mga investor na pumasok sa ating bayan.”

Ang timetable umano ng LGU ay magawa ang plano ngayong taon at matapos ang concreating at pag- aayos ng bungad pag nabili na ang right of way at sa susunod na taon ay maaari na umanong mag full- blast ng construction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *