Common Emerald Dove pinakawalan sa Bicol Natural Park

CAMARINES NORTE – Pinakawalan na nitong nakatalikod na linggo ang isang common Emerald Dove na isinurender ng isang concern citizen.

Ibinalik sa kagubatan ang ibon ng mga tauhan ng DENR PENRO Camarines Norte sa pamamagitan ng Protected Area Management and Biodiversity Conservation Unit (PAMBCU) staff.

Umapela naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na ireport o isurender sa mga kinauukulan kung may ma- rescue o makuhang kahalintulad nito o anumang wildlife species.

Alinsunod sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ipinagbabawal ang pagkolekta, panghuhuli at pag- aalaga ng wildlife nang walang kaukulang permiso.

Ang sinumang lalabag sa naturang batas ay maaaring  makulong at pagmultahin.

Ang pagpapakawala ng naturang ibon sa kagubatan ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng International Day of Biological Diversity.

Bago ito ay isang alimokon o white-eared brown dove ang pinakawalan sa Bicol Natural Park na isinurender din sa DENR ng concern citizen.

(photo courtesy: DENR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *