CAMARINES NORTE- Pormal nang binuksan ng Technical Education & Skills Development Authority (TESDA) ang community based skills training sa coastal barangays ng Mercedes, Camarines Norte nitong Lunes, February 27, 2023.
Ang pagbubukas ng programa ay pinangunahan ni TESDA Provincial Director Engr. Eduardo Bonagua na dinaluhan ni Mayor Alexander Pajarillo na ginanap sa Pambuhan Covered Court.
Ang Community based skills training program ay bukas sa mga taga coastal barangays partikular ang nasa sektor ng Kababaihan, PWD, Out Of School Youth, Senior citizens, at maging ang mga Drugs surrenderees.
Layon ng programa na mabigyan ng pagkakataong makapag aral ng LIBRE ang mga gustong makapag aral.
Kabilang sa mga kursong maaring pagpilian ay Food Processing at Driving and Trouble Shooting NC II.
Lunes hanggang Biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ang pasok na tatagal ng mahigit kumulang isang buwan.
Ang makakatapos ay bibigyan ng certificate mula sa TESDA na maaring magamit bilang karagadagang credentials sa pag apply ng trabaho..
Kung maalala ay unang nagbukas ng kahalintulad na programa ang TESDA sa pakikipagtulungan ng LGU sa naturang bayan noong nakaraang taon.
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…