LEGAZPI CITY – Nagtayo ang lokal ng pamahalaan ng Guinobatan ng community pantry sa mga evacuation centers.
Ayon kay Mayor Paul Chino Garcia, itinayo ito sa tatlong evacuation centers upang makapagbigay-asistensya at mas mapagaan ang buhay ng mga inilikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Dagdag pa niya, umabot sa mahigit 900 evacuees ang nakatanggap ng manok at mga gulay na binili mismo sa women planters ng naturang bayan.
Sa ngayon, patuloy ang mga isinasagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang maging maayos at mas mapabuti ang pamumuhay ng mga evacuees sa lugar.