Community Pantry ng mga NGO’s malaking tulong ayon sa ilang Punong Barangay; pondo ng Barangay, ubos na

SORSOGON CITY – Aminado ang ilang Punong Barangay sa lalawigan ng Sorsogon na sadyang napakalaking tulong sa kanila ang mga ikinakasang ‘community pantry’ ng mga pribadong sektor.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Barangay Salvacion Chairman Tita Desquitado, sinabi nito na tila naisasalba ng mga ganitong aktibidad ang kagutumang nararanasan ng maraming pamilya na hindi pa rin nakarerekober sa pagtama ng Covid-19 pandemic at marami parin ang walang kabuhayan.

Aniya pa, wala na silang maibibigay pang ayuda mula sa pondo ng barangay dahil naubos na ito sa loob ng mahigit isang taong pagtugon ng barangay at LGU sa mga ayuda kung saan halos lahat ng mga pondo nila ay nare-align na para sa ayuda at ang ilang porsyento naman ay naibuhos na nila sa iba pang programa na hindi rin naman umano dapat na isantabi.

Noong Martes, Mayo 11 ay isinagawa ng Brigada News FM-Sorsogon ang Brigadahan Community Pantry sa nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *