Companion law ng SIM Registration Act, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang isang companion law para sa Republic Act (RA) No.11934 o ang SIM Registration Act na siyang poprotekta sa mga subscribers mula sa iba’t ibang problema.

Layunin ng House Bill (HB) No. 7982 o ang Mobile Subscribers Protection Act na protektahan ang mga Pilipino mula sa text scams, at maiiwas ang mga ito sa hindi magandang serbisyo ng mga telecommunications companies (telcos).

Ayon kay Villafuerte, matapos maisabatas ang SIM registration law na siyang magtutuldok sa mga phone users na maging biktima ng cybercrimes, panahon naman aniya ng mga mambabatas na magbalangkas ng kaugnay na hakbang para maiiwas ang mga subscribers na maging biktima ng sarili nitong telco providers.

Dagdag pa niya, dapat matiyak ng pamahalaan na ang serbisyong ibinibigay ng mga kumpanya ng SIM card ay sapat, abot-kaya, at epektibo.

Sa huli, binigyang-diin ng mambabatas na bigong mapagbuti ng mga telecommunications companies ang kanilang serbisyo para sa mga prepaid at postpaid subscribers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *