Compliance rate ng 4P’s beneficiaries sa Camarines Norte bumaba sa Period  4

CAMARINES NORTE- Bumaba ang compliance rate ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa Period 4 monitoring.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na iprinesenta sa Provincial Advisory Committee Meeting noong Biyernes, November 18 na ginanap sa bayan ng Mercedes, bumaba sa halos lahat ng category ang compliance rate.

Sa Education- Children 3 to 5 years old bumaba ang compliance rate mula sa 94. 14 percent noong Period 3 ay nasa 71. 62 percent noong period 4 o bumaba ng 24 percent.

Ang dahilan ng pagbaba ng compliance rate ay dahil sa pagbabago ng facility na hindi updated sa kasalukuyang facility kung saan naka- enroll ang bata.

Sa Children 6- 14 years old ay bumaba ng 2. 22 percent ang compliance rate.

Mula sa 96. 46 percent noong Period 3 ay nasa 94. 31 percent ito sa Period 4.

Wala namang pagbabago sa Children 15- 18 years old na nanatili sa  84. 39 percent.

Bahagya namang bumaba ang compliance rate sa Family Development session mula sa 95. 80 percent sa Period 3 ay naging 95. 03 percent sa Period 4.

Nasa 3. 4 percentile naman ang ibinaba sa compliance rate sa mga benepisyaryong nagdadalang tao.

Mula sa 96. 67 percent sa Period 3 ay bumaba sa  94. 29 percent na dahil din sa hindi updated na facility kung saan ginagawa ang Pre- Natal Monitoring.

Sa kabilang dako tumas naman ng 0. 47 percent ang compliance rate sa Health center Visits ng mga batang 0 to 5 years old.

Batay sa pinakahuling datos ng DSWD nasa 33, 321 ang active 4P’s household, 3, 196 ang delisted, 4, 797 ang exited at  1, 915 ang Inactive household.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *