Editors Pick

Comprehensive Anti-Discrimination Bill, aprubado na sa House panel

Aprubado na ng House committee on human rights ang panukalang batas na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa ethnicity, race, color, sex, gender, religious expression, at political opinion, at maraming iba pa.

Sa online meeting, inaprubahan ng komite ang Comprehensive Anti-Discrimination Bill, pero subject sa amendments, kasunod ng ilang mga pagdinig at mahabang debate ng mga mambabatas, partikular na sa isyu ng sexual orientation and gender identity expression (SOGIE).

Sa ilalim ng panukala, ang diskriminasyon na directly o indirectly batay sa actual o perceived ethnicity, race, color, sex, gender, sexual orientation, gender identity, gender expression, sex characteristics, language, religious expression o belief, political o ibang opinyon, national o social origin, property, birth, at iba pang status ay mahigpit na ipinagbabawal.

Maliban dito, ipinagbabawal rin ang dikriminasyon kaugnay sa disability, age, nationality, marital and family status, health status, place of residence, economic and social situation, maternity, at pregnancy.

Batay sa panukala, inilalarawan ang diskriminasyon bilang pagdeny sa karapatan para sa political participation; denial sa right to organize; denial sa right to employment; at denial sa right to education at training; denial sa karapatan para sa reasonable accommodation; denial sa karapatan para makakuha ng goods at services; at maraming iba pa. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

Cebu City Mayor Michael Rama gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension

Gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension si Cebu City Mayor Michael Rama sa…

5 hours ago

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

6 hours ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

7 hours ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

7 hours ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

7 hours ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

7 hours ago