Concepcion, nakikitang magpapalakas sa turismo ng Pilipinas ang pag-privatize ng NAIA

Binigyang diin ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na ang plano ng gobyerno na i-privatize ang primary international gateway at aviation hub ng bansa na Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ay magpapataas sa turismo na isang major driver ng ekonomiya.

Ayon sa economic adviser, natutuwa siyang suportado ni Department of Transportation Sec. Jaime Bautista ang privatization ng NAIA.

Paliwanag ni Conception, na ang mga paliparan ay bumubuo ng unang impresion sa bansa, at bilang ang turismo ay isa sa pinakamalaking potensyal para sa tumataas na ekonomiya, ang anumang improvement na gagawin dito ay magbibigay ng maraming benepisyo.

Una nang kinumpirma ni Bautista, na minamadali na ng DOTr ang privatization ng NAIA para matulungan na ma-modernize at ma-expand ang pinaka-abalang gateway sa bansa, matapos na lumampas na ang rated capacity nito.

Sa oras na ma-privatize, ang nag-iisang paliparan ng Metro Manila ay maari nang magtaas o magdagdag ng aircraft movement capacity, na ngayon ay nasa 40 hanggang 44 aircraft movements per hour lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *