Condom , ipapamigay sa Naga City kaugnay ng International Condom Day

NAGA CITY- Asahan ang pamimigay ng condom sa strategic places sa Naga City ngayong araw , February 13, ito ay bilang pakikiisa ng Naga City Social Hygiene Clinic sa annual International Condom Day.

Layunin ng aktibidad ay ang bigyang diin ang kampanya laban sa sexually transmitted diseases (STDs), maiwasan ang hindi pinagpaplanohang pagbubuntis at teenage pregnancy lalo pa ngayong Valentine Season.

Ayon kay Grace Guevarra ng nasabing opisina target nila mamigay sa plaza at iba pang pampublikong lugar kasama ang ilang partner agencies.

Sinabi rin na lahat ng hihingi ay bibigyan kahit pa menor de edad pa, hindi aniya ito bukas loob na pagtanggap sa sexual acts sa murang edad kundi para sa reproductive health.

Mababatid na sa patuloy na talakayan sa teenage pregnancy isinusulong sa Kongreso na bigyan ng access sa contraceptives ang kabataan dahil sa pagbubuntis partikular na mula sa edad na 10-14-anyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *