Congestion rate sa kulungan sa Bicol region, pumalo sa 300% – BJMP Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol na aabot sa 300% ang congestion rate sa kulungan.

Ayon kay BJMP Bicol Regional Director, Jail Chief Supt. Joel Superficial, mas mababa na ang bilang o porsyentong ito, kung ikukumpara sa mga nakaraang taon dahil nagkakaroon ng konstruksyon ng mga bagong pasilidad sa rehiyon.

Aniya, malaking tulong sa tanggapan kung maraming kwalipikado sa paglaya upang mabawasan ang populasyon sa loob ng pasilidad.

Dagdag pa niya, bago sila bigyang-laya ay dapat magkaroon muna ng interbensyon habang sila ay nasa kulungan.

Sakali mang sila ay bumalik sa kani-kanilang komunidad ay dapat mabigyan muna sila ng livelihood o rehabilitation program upang harapin ang kanilang pagbabagong buhay at hindi na muli silang makagawa pa ng pagkakasala sa batas.

Sinabi rin ni Superficial, hindi lahat na PDLs ay makakalabas sa kulungan dahil nakadepende rin ito sa kanilang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *