Congestion sa Matnog Port humahantong sa extortion – ARTA

SORSOGON CITY – Nagbabalak ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na maglagay ng one-stop-shop sa Matnog Port sa Sorsogon upang matugunan ang katiwalian sa daungan.

Sinabi ng deputy director general ng ARTA na si Carlos Quita na nakatanggap sila ng maraming ulat na ang nagaganap na congestion sa pantalan ay humanhantong sa pangingikil.

Sa sumbong mula sa mga truck owners, sinisingil sila ng hanggang P8, 000 para lamang mailagay sa ‘priority list’ upang matiyak na makasasakay sila nang mabilis sa RORO vessel.

Ayon pa sa mga truckers, ang aktwal na bayad ay nasa P3, 000 lamang at ang sobra ay napupunta sa mga fixer at tiwaling opisyal.

Matatandaan na noong buwan ng Marso nitong taon ay na-entrap ng IMEG ang tatlong fixers na nag-aareglo sa mga truck drivers ng malaking halaga kapalit ng pila sa nasabing pantalan.

Nakumpiska sa mga ito ang P12, 000 na binayad ng isang pulis na nagpanggap na truck driver at inalok ng mga suspek ng kanilang serbisyo.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *