Congestion sa Matnog Port, pananagutan ng Marina at PPA

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Matnog na walang pananagutan ang LGU sa nangyayari ngayong congestion ng mga sasakyan na tatawid patungong Visayas.

Sa pahayag sa Brigada News ng Municipal Administrator na si Joenebel Figueroa, sinabi nito na obligasyon ng Marina at Phil Ports Authority (PPA) na tugunan ang mga problema ng mga shipping lines.

Dagdag pa ng opisyal, ‘perwisyo at hindi revenue’ ang dala ng nasabing pantalan sa kanilang bayan at mamamayan, ngunit wala aniya silang magagawa dahil ang kanilang pantalan ang tanging daanan patungong Visayas at Mindanao kung kaya’t lahat ng pag-aalalay ay kanilang gagawin alang-alang sa mga biyahero.

Inulan kasi ng batikos sa social media, hindi lamang ang LGU kundi pati gobernador ng lalawigan sa nangyayari na namang congestion sa nasabing pantalan pati na rin ang kilo-kilometrong haba ng pila ng mga sasakyan sa kahabaan ng highways sa lalawigan.

Samantala, mula sa mahigit 20, nasa 10 na lamang ngayon ang bumibiyaheng sasakyang pandagat sa Matnog port dahil sa magkakaibang rason, gaya ng pagkasira ng rampa ng ilang fast craft at ang iba naman ay under maintainance pa hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.